Jewel's Message to JEWELerzs...



Bahagi ng pagbisita namin kay Jewel sa taping ng 100 Days Days To Heaven ay ang mabati namin siya ng personal ng Maligayang Kaarawan. Hindi kasi kami nagkaroon ng pagkakataon sa mismong araw nito. Sa kabila ng malakas na ulan na halos magpatigil sa lahat ng sasakyan sa Metro Manila dahil sa mabigat na daloy ng trapiko, nagkita-kita kami sa tamang oras sa mismong location nila. Maaga pa kami doon pero hinintay namin na maging bukas para sa amin ang pagkakataon na pumasok ng gusali kung saan ginagawa ang shooting ng nasabing teleserye. Nang tinawagan na ako ni Jewel, senyales na ito na pwede na kaming umakyat.
Nagliligpit na ang production crew ng pumasok kami dahil nakatakda silang lumipat ng ibang lugar. Dinner break nila kaya right timing rin ito para sa amin. Restricted ang area para sa outsiders habang umiikot siyempre ang camera. Pero dahil break naman noon at tapos na din sila para sa mga eksena sa naturang lugar, sinamantala na namin ang pagkakataon para makipag-bonding kay Jewel.
Sinalubong kami ni Jewel at inaasikaso agad. Habang nakikipagkwentuhan siya sa amin ay isinabay na din niya na tikman ang dala naming pagkain. I knew she enjoyed the food as much as we enjoyed her company. She's so warm and sweet kasi. Masaya kami kahit limitado lang ang oras namin with her. Ang mahalaga pa din ay yung quality time na ibinibigay niya lagi sa amin everytime na nakakasama namin siya. Wala ng tatalo doon. Enough for us to feel very grateful to her.
by: apriljheng
Credits: Ria Ignacio and Evelyn Orense for pictures/video

0 comments:
Post a Comment