Sunday, 18 October 2009

(Pilipino Star Ngayon)

About Showbiz Ngayon
ni Nitz Miralles
October 18, 2009

Unfair para kay Mel Kimura na kahit hindi mag-effort magpaganda si Jewel Mische sa kodakan ng cast ng Special episode ng Dear Friend na eere sa October 25 at sa direction ni Mark Reyes, lumalabas pa ring maganda ang dalaga.

Balik-trabaho si Jewel sa episode kapareha ni JC de Vera at kinakitaan ng chemistry ang kanilang tambalan. Magnobyo na naging mag-asawa ang role ng dalawa at papagitna sa relasyon nila si Ynna Asistio.

Bitin si Jewel dahil three taping days lang sila, kaya looking forward sa sinabing gagawing primetime show. Samantala, sa kanyang studies muna ang mas malaking oras dahil bukod sa Conservatory o Music course niya sa UP, pumapasok din siya sa Bible College at sa Yokohama Flying School. Hindi lang nito sinagot kung sino ang unang isasakay niya ‘pag may lisensya na siyang magpalipad ng chopper.

Ayaw din nitong sagutin ang tanong sa kanyang lovelife at ayaw sa title na GF sa Dilim. Sana raw, hindi siya tawagin ng ganu’n dahil ‘di siya komportable.

No comments: