Tuesday, 28 April 2009

Jewel too... is for Fullerlife!

Yes, Jewel too is for Fullerlife. And here are their new line of products for teens.


Thanks to sweetwinter of pex for the scanned pics!

[PEP] Jewel Mische: Beauty up close

Jewel Mische: Beauty up close

YES! magazine
Friday, April 24, 20090

1:44 AM




Jewel Mische never really dreamt of stardom. Says the 17-year-old star of the now defunct show Kamandag: "Kahit no'ng bata pa ako, meron ding mga offers, pero I always said no, kasi it was not my cup of tea."


Her high-school friends got Jewel to change her mind. On her behalf, they lined up for the auditions of StarStruck Batch 4 in 2007. "Ako naman, super touched na nag-effort sila. So punta ako, dala ko gitara ko. I didn't have to line up, kasi nga sila pumila for me."


Jewel later won the title Starstruck Ultimate Sweetheart. With the title came a showbiz career she never even dreamed of having—along with a slew of tsismis. But she has learned how to deal with it. She says she never felt the pressure to change herself to stop the gossip.


"I never tried to please everyone. Never. Pero I try to do my best every time. That's what I do. Kasi nga, kahit ano'ng gawin ko, meron at meron. Halos lahat—lahat naman actually— nanggaling naman sa wala. I would be lying if I say, 'A, wala, part ng showbiz 'yan, hindi ako nasasaktan.' Of course, I get affected, but mawawala at mawawala din naman."


One rumor that will not go away, though, is the one linking Jewel to her Kamandag co-star, Richard Gutierrez. When we mention Richard, the normally bubbly Jewel becomes momentarily quiet. She prefers not to talk much about him. "I feel honored and privileged to be working with him," she says simply. "He's really good. What else? I realized that, despite his being Richard Gutierrez, he's really down-to-earth. He's a really, really good guy."



***

Saturday, 11 April 2009

Starstruck Graduates on Family Feud's Final Monday Episode

[ PEP ] Richard Gomez's Family Feud airs final episodes starting April 13
Saturday, April 11,
200912:29 PM


Get ready for a big-time entertainment with the whole family as Family Feud unloads a star-studded finale week special from April 13 to April 17.

Join game master Richard Gomez in a weeklong showdown of different families as they outwit each other for a chance to bring home big cash prizes.

Easter Monday becomes extra special as selected StarStruck graduates from different batches try their luck for the jackpot. Who will survive between the "Boys Next Door Family" of Mike Tan, Paulo Avelino, Vivo Quano and Mart Escudero versus the "Sweethearts Family" of LJ Reyes, Jewel Mische, Jade Lopez and Kris Bernal?

From Tuesday to Thursday, regular families will try to defend their "honor" in claiming the huge jackpot prize of over P1 million.

And on Friday, the hilarious team of Bubble Gang will make viewers roll over with laughter with Angelina (Ogie Alcasid), Rufa Mae Quinto, Boy 2 Quizon and Diego Ilorico going head-to-head with the All-Star K Family of Jaya and the K Girls (Christine Dandan, Pauleen Miranda and Jamby Lim).

Since its premiere last October, Family Feud has transformed weeknight viewing into a family affair through quality entertainment. For two seasons, it has been counted among the top shows in TV ratings in Mega Manila.

Goma (Richard's nickname) has undeniably made his mark as the perfect host for the program. His charm appeals very much to the studio contestants and more importantly, the televiewers. Even the show's tagline, "The family that plays together, wins together!" has become a household hit.

The exciting finale week special of Family Feud airs from April 13 to April 17 right before 24 Oras only on GMA-7.

Saturday, 28 March 2009

Sa Pangalawang Linggo ng Dear Friend’s “KARIBAL”…

Sa Pangalawang Linggo ng Dear Friend’s “KARIBAL”…





Nasaktan ng husto si Cindy (Jewel Mische) nang masaksihan niyang tinanggap ng ate Kim (Katrina Halili) niya ang alok na kasal ni Ron (Alfred Vargas). Hindi niya akalain na mabilis na nabaling ang atensiyon ng lalaking kanyang minamahal sa kanyang nag-iisang kapatid. Para sa kanya, sinasadya ni Kim ang pag-agaw sa lahat ng tao na mahal niya. Kinumpronta ni Cindy si Kim, bagay na pinagtataka ng huli. Hindi niya malaman kung bakit ganoon na lang ang galit at sama ng loob ni Cindy sa kanya. Sa tindi ng kanyang galit ay naitulak pa nga niya ang nakatatandang kapatid sa pool.



Pagkatapos ng insidenteng iyon ay dinamayan ni Kiko (JC Tiuseco) si Cindy. Sinabi ng binata na di niya dapat kaawaan ang sarili at kainggitan ang ate niya. Sinabi rin ni Kiko sa dalaga na maganda siya at maraming pwedeng magmahal sa kanya bagay na di kayang paniwalaan ni Cindy dahil sa kawalan ng tiwala sa sarili. Ganoon pa man, pilit kinumbinsi ni Kiko na pagtiwalaan ang kanyang sinsabi at kailangan lamang niya na huwag itago ang kanyang angking kagandahan.. Doon na nag-isip si Cindy. Napaghinuha niya na baka sakaling mapansin siya ni Ron kung babaguhin niya ang kanyang ayos at kilos. Nagdesisyon siya na sundin ang payo ng kaibigan na lihim na may masidhing paghanga sa kanya.



Nang sumunod na araw, hinanap ni Kim ang kapatid upang ito’y kausapin. Subalit isang nagmamataas, nagrerebelde at kakaibang Cindy ang humarap sa kanya. Ikinatuwa ni Kim ang malaking pagbabagong iyon sa pag-aayos ng kapatid, lingid sa kanyang kaalaman, ay may mas malalim na dahilan si Cindy sa ginawang ito.. Matigas ang loob ni Cindy na tanggapin ang pagkatalo sa ate niya. Hinarap niya ito upang ipamukha lamang niya na huwag na siyang itratong kapatid pa. Ikinalungkot at ikinabahala ito ni Kim. Mahal niya ang kapatid at ayaw niyang magkaroon sila ng di pagkakaunawaan.



Isang gabi, sinubukan ni Cindy na lapitan si Ron upang ito’y akitin. Sa kabila ng magandang mukha ni Cindy ay pilit siyang iniiwasan ni Ron dahil na rin sa respeto at upang patunayan din na ang ate nito ang tunay niyang mahal. Dito na dumating si Kim at nakiusap kay Ron na iwan muna sila upang makapag-usap. Subalit, sa halip na mag-kaayos ay lalong tumindi ang alitan ng dalawa. Bilang mas nakakatanda, may pag-unawang pinuna ni Kim ang ginawa ni Cindy kay Ron, subalit sinagot lamang ni Cindy ang masasakit na salita sa kanyang ate. Di na nakapagpigil pa si Kim, nasaktan siya sa tinuran ng kapatid. Dito na sila umabot sa pisikal na sakitan. Dumating sina Kiko at Ron upang umawat. Tumalikod si Cindy. Nag-aalala si Kim sa sigalot nilang magkapatid, pero mahal na niya si Ron, kaya doon ay nagsimula na siyang manimbang sa papanigan.



Nagkausap sina Kiko at Kim. Nasabi ni Kiko dito ang tunay na nararamdaman ni Cindy kay Ron. Di akalain ni Kim na ganoon kalaki ang pagmamahal ng kapatid sa kanyang nobyo. Nalaman niya na sobra ang selos na nararamdaman ni Cindy sa kanya at handa nitong gawin ang lahat upang makuha ang pagmamahal ni Ron. Samantala, kinausap naman ni Ron si Cindy upang magpaliwanag. Sinabi ni Ron sa kanya kung gaano siya kamahal at pinagmamalasakitan ng ate niya. Ipinaliwanag ang kalagayan nila, hinihingi ang pang-unawa. Subalit di ito pinaniwalaan ni Cindy.



Isang gabi na nag-hahanap sina Kim at Kiko kay Cindy, aksidenteng nakita ni Kiko ang kaibigang si Bitoy. Ikinagulat ito ni Kim dahil tulad niya, galing din ng Japan ang taong ito at agad siyang namukhaan. Agad na itinatwa ni Kim na kilala niya ang binatang bagong dating. Tumayo at mabilis siyang nagpaalam habang ang magkaibigan naman ay tila nagtataka.



Doon na nagbalik kay Kim ang mga ala-alang kinatatakutan. May bangungot sa kanyang nakaraan sa ibang bansa na pilit niyang tinatakasan. Ang pagkikita nila ng kaibigan ni Kiko ay isang bagay na nagpanumabalik sa kanya sa lahat ng mga takot na ito.



Noon din ay tinawagan niya si Ron upang umatras sa kanilang pinaplanong kasal. Di ito maunawaan ni Ron kaya pinilit niyang kausapin si Kim ng gabing iyon. Sa pag-uusap ni Kim at Ron, ipinilit ng dalaga na ibaling na lang sa iba ang pagtingin. Kung maaari ay sa kanyang kapatid na si Cindy na nagmamahal naman sa kanya ng totoo. Sinabi din ng dalaga na marami pa itong di nalalaman sa kaniya. Masyadong mabilis ang mga naging desisyon nila sang-ayon kay Kim. Subalit di tinanggap ng binata ang anumang paliwanag ni Kim. Samantalang kasabay noon, si Kiko at ang kanyang kaibigang si Bitoy naman ang kumausap kay Cindy upang ipagtapat ang naging buhay ng ate niya sa Japan. Doon nalaman ni Cindy na si Kim ay nagpakasal na sa isang Hapones.



Abangan ang magiging kaganapan bukas, Linggo (Marso 29), sa ika-tatlong kabanata ng Dear Friend pagkatapos ng SOP, siyempre sa GMA lang …J

posted by apriljheng :)

Monday, 23 March 2009

Dear Friend's KARIBAL Episode 2...


Karibal Episode 2 Screencaps

To watch this episode, go to this links,
1. http://www.youtube.com/watch?v=7GMkgGLNcmI
2. http://www.youtube.com/watch?v=FBov6kOjApU
3. http://www.youtube.com/watch?v=R7X6rrxS4jw

Friday, 13 March 2009

Dear Friend's "KARIBAL" will air its pilot on March 15 after SOP


ABANTE

Abu Tilamzik

March 13, 2009 Friday


Natutuwa ang mga GMA Artist Center kay Jewel Mische dahil ang laki na raw ng ipinagbago nito. Nag-usap nang masinsinan sina Jewel, Ma’am Ida Henares at mga handler nito. Tigmak ng luha si Jewel habang pinapakinggan ang mga payo sa kanya. Nakakapanghinayang si Jewel kung hindi niya aasikasuhin ang career niya at mananatiling girlfriend sa dilim.


Nagdesisyon siyang ‘lumabas’ at bumalik sa trabaho. Mabuti’t tinanggihan ni Yasmien Kurdi ang Dear Friend kung saan makakatambal nito si JC Tiuuseco kaya napunta ito kay Jewel na mas bumagay sa role at swak na swak silang mag-partner ni JC. Sa Linggo ay magsisimula na ang naturang episode ng Dear Friend na kinunan sa Dakak, kung saan kasama rin sina Katrina Halili at Alfred Vargas.


***


TEMPO

March 13, 2009


Kinakarir na


Kinakarir na ni JC Tiuseco (1st Pinoy Survivor) ang pag-aartista. Matapos ang first acting stint niya sa "Maynila" kung saan nakasama niya si Jennica Garcia, sina Jewel Mische, Katrina Halili at Alfred Vargas naman ang mga katrabaho ni JC sa summer episode ng "Dear Friend" na pinamagatang "Karibal." Magpa-pilot telecast ito this Sunday (March 15) after "SOP."

Sa Dakak Resort in Dapitan City, Zamboanga del Norte sila nag-taping. Life guard ang role ni JC sa resort na pinagtatrabahuhan ni Jewel, his secret crush. Pero in love naman ang dalaga kay Alfred na resort manager.


Ayon kay JC, he finds Jewel a nice person at masarap daw itong katrabaho. Supportive ito sa kanya pati sina Katrina at Alfred at ang buong production staff kaya na-ging komportable siya working with them.


Noong una raw, hiya-hiyaan pa siya. May ilang factor kaya nag-Take 3 siya sa kanyang first scene. Nang ulitin, Take 2 hanggang naging Take 1 na ang eksena. Ani JC, bagaman nag-e-enjoy na siya sa acting, hindi pa rin niya iiwan ang modeling. Thankful din siyang sunud-sunod ang kanyang product endorsements.


***

Tuesday, 10 March 2009

Jewel Mische and JC Tiuseco in GMA's Dear Friend

Monday, 9 March 2009

[From PINOYPARAZZI ] Jewel Is Mische-d

Jewel is Mische-d
by Jean Oli
March 6-8, 2009

Pagkatapos lumabas bilang isa sa mga leading lady ni Richard Gutierrez sa Kamandag, hindi na nagkaroon ng regular show sa kanyang home network si Jewel Mische. Pa-guesting guesting na lang ang inabot ng kanyang beauty kaya naman blessing in disguise ang pagtanggi ng kanyang kapwa Kapuso star na si Yasmien Kurdi sa role dapat nito sa Dear Friend, Karibal episode. Kaya ang ending, kay Jewel ibinigay ang naturang role at makakapareha nito ang Survivor Philippines winner na si JC Tiuseco. At dahil makakasama niya sa ang two-time FHM’s sexiest woman na si Katrina Halili, aba’y magpapatalbog ba ang natatagong kaseksihan nitong si Jewel, huh?

Pero ang latest chika dito sa chikababes na ito ay ang hindi pa rin mamatay-matay na isyu sa kanila ni Richard Gutierrez. Aba’y akalain mong palihim pa lang nagkikita ang dalawang itech? At take note, sa Hongkong pa sila na-see ng mga chikadora. Ano ba kasi ang real score sa kanila nang matapos na ang usaping itech. Kapag lumipat na kaya itong si Jewel beybeh sa kabilang istasyon, matapos na kaya ang pagli-link sa kanila ni Zorro este Richard? Trulalu mga kaparazzi. Balita kasing planong hiramin itong ating Ultimate Sweetheart ng Kapamilya network at may nakalaan ng proyekto para sa kanya. Naku, bebe Jewel, esep-esep nang mabuti.

Basta kung saan che-chever nang bonggang-bongga ang iyong career, suportahan ka namin. Okech, okech?

http://pinoyparazzi.com/193/sidelights.html

Friday, 27 February 2009

[From PINOYPARAZZI] More about Dear Friend's "KARIBAL"

Pinoyparazzi
Written by Dino Erece
February 27 - March 1, 2009

MAKALABAN KAYA ANG tambalang Jewel Mische at JC Tiuseco kina Katrina Halili at Alfred Vargas sa Dear Friend?

Sa Linggo, lilipad ang apat na GMA stars patungong Dakak beach resort sa Zamboanga del Norte. Doon kukunan ang four-part summer episode ng Dear Friend nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin at sila ang magbibida with Jewel replacing Yasmien Kurdi na nag-decline dahil conflict sa class schedule niya. Limang araw magbababad sa beach ang apat pati si Kevin Santos at March 5 ang balik nilang Maynila. Susubok kaming kumuha ng mga pictures doon for our column here.

Ngayon, alam naman ng lahat na sweet ang image ni Jewel at gayundin si JC na kahit nagsimulang model ay nag-promise na hindi muna magpapa-sexy ngayong artista na rin siya. Paano kaya nila matatalbugan ang tambalang Alfred at Katrina na palaban sa hubaran, dadaanin ba nila sa acting? Magagaling ding artista sina Katrina at Alfred kaya bonus points na lang kung magpa-sexy pa sila.

Isip na lang namin, siguro naman mahihiya sina Jewel at JC na hindi maghubad sa episode. Beach nga ang location, eh.

***

Wednesday, 25 February 2009

[ From PEP ] Jewel Mische replaces Yasmien Kurdi in "Karibal" episode of Dear Friend

Jewel Mische replaces Yasmien Kurdi in
"Karibal" episode of Dear Friend
Dinno Erece
Wednesday, February 25, 2009

Sa ikalawang Linggo ng Marso magtatapos ang una't huling eight-part episode ng GMA-7 drama anthology na Dear Friend nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin, ang "Bulong ng Puso" na pinagbibidahan nina Jennica Garcia at Mart Escudero.

Itong Linggo, Marso 1, hanggang Huwebes, Marso 5, nakatakdang lumipad patungong Dapitan City, Zamboanga del Norte, sa Dakak Park and Beach Resort ang cast and crew ng Dear Friend para kunan ang four-part summer episode na pinamagatang "Karibal."

Directed by Jun Lana, naibalita na ang original cast ng "Karibal" ay sina Katrina Halili, Yasmien, Alfred Vargas, at introducing si JC Tiuseco. Hindi pumuwede ang schedule ni Yasmien dahil nag-aaral ang StarStruck 1 First Princess, kung kaya't pinalitan siya ng StarStruck 4 Ultimate Sweetheart na si Jewel. Si Jewel ang magiging partner ni JC, ang kauna-unahang ng Pinoy Sole Survivor.

Ang "Karibal" ay magsisilbing reunion naman ng love team nina Alfred at Katrina pagkatapos ng pelikula nilang Gigil noon sa Regal Entertainment, na si Jun din ang nagdirek at sa Boracay naman ito kinunan noon. Ang Boracay rin ang isa sa dalawang pinagpiliang location ng "Karibal" pero mas napaboran nga ang Dakak. Makakasama rin sa cast ang isa pang StarStruck avenger na si Kevin Santos.Sa Marso 15 ang unang telecast ng "Karibal."


***